Ilang bahagi ng EDSA apektado ng road reblocking at repairs ng DPWH ngayong weekend

Ilang bahagi ng EDSA apektado ng road reblocking at repairs ng DPWH ngayong weekend

Magsasagawa ng road reblocking at repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend sa EDSA at ilan pang lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang reblocking at repairs ng DPWH, alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (July 22) at tatagal hanggang sa umaga ng Lunes (July 25).

Apektado ang sumusunod na mga kalsada:

1. . EDSA NB Quezon City along Santolan MRT Station (EDSA Carousel bus lane), after P. Tuazon flyover to Aurora tunnel (3rd lane from center island fast lane), after Aurora Blvd. to New York (3rd lane from island, intermittent section), after Kamuning/Kamias Road to JAC Liner Bus Station (beside center island)

2. Fairview Avenue SB near Mindanao Avenue Extension (1st lane from center island)

3. Cloverleaf (Chn.000-Chn 258) going to NLEX (Northbound)

4. Cloverleaf (Chn.000-Chn 234) going to NLEX (Southbound)

5. Along EDSA-Quezon City Southbound (Balingasa Creek to Oliveros Footbridge)

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing mga lugar sa oras na isinasagawa ang repairs at reblocking.

Tiniyak naman ng MMDA na sa Lunes ng umaga ay fully passable na ang mga kalsada. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *