No-fly zone ipatutupad ng CAAP sa Batasan Complex
Nakatakdang magpatupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng limitado at no-fly zone sa Batasan Complex at sa paligid nito.
Ayon sa CAAP, ipatutupad ito mula July 23 hanggang 25 bilang hakbang para matiyak ang kaligtasan sa unang SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa Lunes.
Naglabas na din ang CAAP ng Notice to Airmen B2088/22.
Ayon sa CAAP ang mga training flight ng mga flying school sa Luzon ay sinuspinde rin muna mula Hulyo 23 ng 2:00PM hanggang 5:00PM hanggang July 25 sa ganap na 1:00PM to 7:00PM. (DDC)