DSWD tutulong para mahabol ang mga tatay na hindi nagsusustento sa anak
Tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nanay na problemado dahil sa hindi pagsustento ng mga tatay sa kanilang anak.
Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo malinaw ang isinasaad sa Article 195 ng Family Code na dapat suportahan ng magulang ang kanilang mga anak.
Sinabi ni Tulfo na ang mga nanay na problemado dahil sa hindi pagsuporta ng tatay ng kanilang anak ay maaring magtungo sa DSWD.
Tutulong aniya ang DSWD sa pamamagitan ng pagpapada ng demand letter sa mga tatay para sustentuhan ang kanilang anak.
Handa rin ang DSWD na tumulong sa mga nanay sa isyu ng child custody. (DDC)