LPA binabantayan ng PAGASA sa Quezon
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Quezon.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 250 kilometers west southwest ng Tayabas, Quezon.
Ayon sa PAGASA, maliban sa LPA apektado ng easterlies ang eastern sections ng Luzon at Visayas.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan dahil sa LPA.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa easterlies at localized thunderstorms. (DDC)