95 percent ng naitalang kaso ng monkeypox, sexually transmitted ayon sa isang pag-aaral
Mayorya ng mga naitalang kaso ng monkeypox ay naisalin dahil sa pakikipagtalik.
Ayon sa research ng New England Journal Medicine, 95 percent ng mga naitalang kaso ng sakit ay sexually transmitted.
Pinangunahan ng mga siyentipiko mula sa Queen Mary University of London ang pag-aaral sa 528 na kumpirmadong kaso ng monkeypox mula sa 16 na mga bansa sa pagitan ng April 27 hanggang June 24.
Ayon sa author ng research na si john Thornhill, karamihan sa dahilan ng pagkahawa ng sakit ay dahil sa sexual activity.
98 percent aniya ng mga naapektuhan ng sakit at pawang gay o bisexual med.
Nilinaw naman ni Thornhill na ang monkeypox ay hindi maituturing na sexually transmitted infection, dahil maaari itong maisalin sa kahit anong uri ng physical contact. (DDC)