One Stop Shop Vaccination Site binuksan ng DOH sa BARMM

One Stop Shop Vaccination Site binuksan ng DOH sa BARMM

Nagbukas ng One Stop Shop Vaccination Site sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay para maging mas accessible sa mga mamamayan ng rehiyon ang pagbabakuna kontra COVID-19 at iba pang Routine Immunization.

Pinasalamatan naman ni Department of Health officer-in-charge Usec. Maria Rosario Vergeire ang Ministry of Health ng BARMM sa patuoy nitong pagtitiyak na mas maraming residente ng rehiyon ang mababakunahan.

Ayon kay Vergeire, hindi lang COVID-19 vaccine ang maaring tanggapin sa ONe Stop Shop kundi maging ang ibang routine immunization.

Nagbibigay din ito ng serbisyo kahalintulad ng ibinibigay sa mga Animal Bite Treatment Centers.

Sa datos ng DOH, 1,584,124 o 51.05 percent pa lang ng target population ng BARMM ang fully vaccinated sa rehiyon.

Habang 163,308 o 5.26 percent pa lang ang nakatanggap ng 1st booster. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *