Mga Pinoy sa Italy pinag-iingat dahil sa nararanasang heat wave

Mga Pinoy sa Italy pinag-iingat dahil sa nararanasang heat wave

Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Italy ang mga Pinoy doon na mag-ingat sa nararanasang heat wave.

Ito ay makaraang magpalabas ng abiso ang Italian Ministry of Health na nagtataas ng red alert levels sa ilang lungsod sa Italya hanggang sa July 23 dahil maaaring umabot sa 40 degrees Celsius ang temperatura o higit pa.

Sa abiso ng embahada, ang partikular na pinag-iingat ang mga nakatatanda at mga bata, gayundin ang mga buntis.

Ang Po River na pinakamahabang ilog sa Italy ay nakaranas ng matinding tagtuyot.

Nagdeklara na rin ng state of emergency ang Italy sa limang rehiyon nito dahil sa matinding init ng panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *