Philippe Lhuillier mananatiling PH envoy sa Spain
Mananatili sa puwesto bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Spain si Philippe Lhuillier.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na batid niya ang galing ni Lhuillier kaya muli niya itong itinalaga bilang envoy ng Pilipinas sa Spain.
Sa kaniyang Facebook post, nagpahayag ng kumpiyansa ang pangulo na gagampanan ni Lhuillier ng buong puso ang trabaho at igugugol ang kaniyang husay para sa bansa.
Nakapanumpa na sa puwesto si Lhuillier sa Malakanyang. (DDC)