Justin Bieber naka-recover na sa facial paralysis; World Tour itutuloy na
Tuloy na ang World Tour ng singer na si Justin Bieber makaraang gumaling sa facial paralysis.
Ipinagpaliban ang kaniyang mga show makarang ma-diagnose ng Ramsay Hunt Syndrome na nagdulot ng facial paralysis sa singer.
Sa anunsyo ng “Justice Tour” magre-resume na ang World Tour sa July 31 sa Lucca Festival.
Magkakaroon ng European music festival run si Bieber bago ang kaniyang mga show sa South America, South Africa, Middle East, Asia, Australia, at New Zealand.
Kasama ang Pilipinas sa Justice World Tour ni Bieber.
Ayon sa Ovation Productions, hindi nabago ang petsa ng concert ng singer sa bansa sa Oct. 29 sa CCP Open Grounds. (DDC)