Bayanihan e-Konsulta muling ilulunsad; mayroon nang mahigit 1,000 volunteers

Bayanihan e-Konsulta muling ilulunsad; mayroon nang mahigit 1,000 volunteers

Muling ilulunsad ang Bayanihan e-Konsulta na naging programa noon ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay dating Vice President Leni Robredo, sa loob lang ng halos 20-minuto, umabot na sa 1,100 volunteers ang nag-sign up.

Sinabi ni Robredo na buhay na buhay pa rin ang “spirit of volunteerism”.

Ani Robredo, nagpasya silang muling buhayin ang Bayanihan e-Konsulta dahil sa pagdami na naman ng COVID-19 cases sa bansa.

Mangangailangan aniya ang programa ng 50 non-medical volunteers at 40 medical volunteers na maaaring madagdagan sa susunod na mga araw depende sa bilang ng request na matatanggap.

Para sa mga nais maging non-medical volunteer, mag sign-up sa:
https://bit.ly/ABekonsulta

At para naman sa nais maging medical volunteer, mag sign-up sa: https://bit.ly/ABekonsultadocs

Ani Robredo, remote setup o work-from-home pa rin ang lahat ng ating volunteers.

Kailangang tiyakin na may sariling computer/laptop, smartphone, at internet connection para sa e-Konsulta. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *