Usec. Vergeire bumisita sa Cotabato Regional and Medical Center
Bumisita si Department of Health (DOH) officer-in-charge Usec. Maria Rosario Vergeire sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.
Kasama ni Vergeire na bumisita sa pagamutan ang iba pang mga opisyal ng DOH na kinabibilangan nina Usec. Abdullah Dumama Jr., OIC-Usec. Beverly Lorraine Ho, at Asec. Nestor Santiago Jr.
Sinalubong sila ni Medical Center Chief, Dr. Ishmael Dimaren.
Ang CRMC ay mayroong mas pinabuti at pinaayos na pasilidad at mga kagamitan.
Kinilala ni Vergeire ang hakbang ng mga opisyal at tauhan ng CRMC sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, 97% ng healthcare workers sa ospital ang nakatanggap na ng primary series at 85% ang nakatanggap na ng booster doses. (DDC)