2,047 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Umabot sa 2,047 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa araw ng Miyerkules, July 20.
Ayon sa DOH, umabot na sa 3,739,160 ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.
Umakyat naman sa 20,678 ang aktibong kaso ng sakit.
Ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay umabot na sa 3,657,841.
Habang nananatili sa 60,641 ang bilang ng mga nasawi. (DDC)