Philippine national women’s football team nag-courtesy call kay Pangulong Marcos
Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine national women’s football team na Filipinas.
Kasunod ito ng makasaysayang pagkakapanalo ng Filipinas sa 2022 AFF Women’s Championship.
Tinanggap ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng Filipinas sa President’s Hall sa Malakanyang.
Kasama ng team si Philippine Football Federation president Mariano Araneta. (DDC)