Pangulong Marcos iniutos na paigtingin ang paghahanda sa in-person classes

Pangulong Marcos iniutos na paigtingin ang paghahanda sa in-person classes

Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin ang paghahanda sa pagpapatupad ng in-person classes.

Partikular na inatasan ni Marcos ang Department of Education (DepEd) at mga kaugnay na ahensya na tiyaking matutugunan ang mga isyu at problemang mararanasan sa pagbabalik sa paaralan ng milyung-milyong mga mag-aaral.

Kabilang sa pinatitiyak ni Marcos kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagkakaroon ng sapat na silid-aralan, guro at iba pa.

Ani Marcos, sa mga lugar na talagang kailangan pang magpatupad ng blended learning, dapat aniyang paghandaan ang pagkakaroon ng device ng mga mag-aaral.

Sinabi ng pangulo na maari namang magpatuloy ang blended learning sa ilang lugar kung talagang kailangan pero hangga’t maaari dapat ay maipatupad na ang face-to-face classes.

Ipinag-utos din ng pangulo ang pagsasaayos ng mga paaralan na nasira dahil sa pananalasa ng Typhoon Odette noong nakaraang taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *