Outbreak ng dengue idineklara sa Occidental Mindoro

Outbreak ng dengue idineklara sa Occidental Mindoro

Nagdeklara ng outbreak ng dengue sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Sa inilabas na Executive Order No. 42 ni Gov. Eduardo Gadiano, ang lalawigan ang may pinakamataas na kaso ng dengue sa rehiyon ng MIMAROPA batay sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit.

Base sa datos mayroong 1,123 na kaso ng dengue sa probinsya na 42.36 percent ng kabuuang kaso sa rehiyon.

Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, nakapagtala ng clustering ng kaso ng dengue sa 41 barangay sa July 10 to 16 monitoring.

Inatasan na ni Gadiano ang minicipal health pfficers at mga barangay na gumawa ng karampatang aksyon para maawat ang pagtaas pa ng kaso ng sakit. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *