Caraga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 58 kilometers East ng Caraga 5:14 ng umaga ngayong Miyerkules, July 20.
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)