Limang empleyado nasermunan ni DSWD Sec. Tulfo dahil sa hindi pagsagot sa hotlines ng ahensya
Limang empleyado ng Department of Social Welfare and Development ang nakatikim ng sermon mula kay Sec. Erwin Tulfo.
Ito ay dahil sa hindi nila pagsagot sa hotline ng ahensya.
Ayon kay Tulfo, nasermunan at binigyan ng warning ang mga empleyado sa kanilang “unresponsive conduct”.
Ayon kay Tulfo, walang silbi ang hotlines kung walang sasagot.
Una rito, dalawang empleyado ng DSWD ang tinanggal sa trabaho dahil sa hindi magandang asal na kanilang ipinakita sa publiko.
Ang isa ay nakatalaga sa NAIA at ang isa ay sa satellite office ng ahensya sa Tagbilaran City. (DDC)