Batman and Robin sa senado suportado ang mga programa ng NTF- Elcac
Nakakuha ng suporta mula sa dalawang senador ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).
Ayon kay Senator Robin Padilla, siya at si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang magsisilbing “Batman and Robin” na susuporta sa mga programa ng NTF-Elcac.
Una nang naghain si Dela Rosa ng panukalang batas para sa pag-institutionalize sa nasabing task force.
Tiniyak naman ni Padilla ang suporta sa panukala ni Dela Rosa.
Ayon kay Padilla, malaki ang ginampanan ng task force sa maraming rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno.
Ayon kay Robin, maganda ang naging resulta ng pagpapairal ng localized peace talks. (DDC)