Pagrebisa sa Oil Deregulation Law suportado ng DOE

Pagrebisa sa Oil Deregulation Law suportado ng DOE

Suportado ng Department of Energy (DOE) ang mga panawagan na rebisahin ang Oil Deregulation Law kasunod ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Rino Abad, direktor ng Oil Industry Management Bureau, sa pagsasagawa ng review, mabibigyang linaw ang papel ng industry players sa minimum inventory reserve at mabibigyan ang gobyerno ng kapangyarihan para i-require ang mga kumpanya ng langis na maging transparent sa tuwing magpapatupad ng price adjustment.

Ipinanukala din ni Abad na magsumite ng report ang mga kumpanya ng langis na maglalatag ng kanilang pag-compute sa price adjustments.

Sa ganitong paraan, mas mauunawaan ayon kay Abad kung paanong itinatakda ang presyo ng langis.

Magkakaroon din aniya ng pagkakataon ang DOE na itama ang presyuhan kung sa tingin nito ay masyadong mataas ang price hike. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *