War on drugs ng Duterte admin dapat pag-aralan ni Pangulong Marcos

War on drugs ng Duterte admin dapat pag-aralan ni Pangulong Marcos

Nais ng grupong Philippine Coalition for the International Criminal Court (PICC) na pag-aralan ng administrasyong Marcos ang war on drugs ng dating administrasyon.

Nanawagan din ang PICC isang civil society group kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war ng Duterte admin.

Sinabi ng PICC na dapat isama ni Marcos ang imbestigasyon sa drug war sa mga prayoridad nito sa unang 100 araw sa puwesto.

Ayon kay Atty. Ray Paolo Santiago, co-convenor ng grupo, hindi sila tutol sa kampanya kontra ilegal na droga, subalit tutol sila sa pagpatay sa mga drug users sa halip na tulungan ang mga itong sumailalim sa rehab.

Umaasa ang PICC na babaguhin ni Marcos ang pamamaraan ng pagsasagawa ng crackdown laban sa mga drug suspect. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *