Bagong risk classifications sa COVID-19 posibleng mailabas sa Agosto
Target ng pamahalaan na makabuo ng bagong risk classifications sa buwan ng Agosto.
Sinabi ito ng Department of Health (DOH) matapos na ipag-utos ni Panguong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-aaral sa posibilidad na magkaroon ng reclassification sa pinaiiral na COVID-19 restrictions sa bansa.
Ito ay para tumugma sa kasalukuyang mas mild na strains ng sakit.
Ayon kay DOH officer-in-charge, Usec. Maria Rosario Vergeire, sa kalagitnaan ng Agosto ay posibleng mapagaan na ang risk classifications.
Bagaman tumataas ang kaso ng COVID-19, mababa pa rin naman ang bilang ng mga pasyenteng naoospital.
Ayon sa DOH, ang kasalukuyang nararanasang peak sa COVID-19 ay dahil sa mas nakahahawang Omicron BA.5 variant. (DDC)