Traffic rerouting plan para sa SONA ni Pangulong Marcos inilabas na ng MMDA
Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang traffic rerouting plan para sa idaraos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 25.
Ayon kay MMDA Officer-in-Charge Baltazar Melgar magpapakalat ang ahensya ng 1,133 personnel na mula sa kanilang Traffic Discipline Office, Road Emergency Group, Sidewalk Clearing Operations Group, Flood Control, at Metrobase.
Itatalaga sila sa Commonwealth Avenue at iba pang lansangan na patungo sa bisinidad ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Ang mga tauhan ng MMDA ang magmamando sa vehicular at pedestrian traffic; emergency response; clearing operations; aasiste sa crowd control; at susuporta sa operasyon ng Task Force SONA 2022, Philippine National Police, National Capital Region Police Office, Quezon City Police District, Presidential Security Group, at Quezon City government.
Magde-deploy din ang MMDA ng ambulansya, tow trucks, fire trucks, mobile patrol units, motorcycle units, at iba pa sa mga ruta at staging areas.
Sa inilabas na traffic rerouting plan, sinabi ng MMDA na magpapatupad ng zipper lane sa southbound portion ng Commonwealth Avenue para madaanan ng sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at guests na magtutungo sa Batasan.
Dahil inaasahan ang mabigat na daloy ng traffic sa Commonwealth Avenue pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang sumusunod na alternatibong ruta:
NORTHBOUND (Quezon Memorial Circle to Fairview)
• Vehicles from Elliptical Road should take North Avenue, turn right at Mindanao Avenue then turn right to Sauyo Road or take Quirino Highway, then Commonwealth Avenue to reach the point of destination.
SOUTHBOUND (Fairview to Quezon Memorial Circle)
• Vehicles from Commonwealth Avenue should take Sauyo Road or Quirino highway, turn left at Mindanao Avenue, then turn left at North Avenue to reach the point of destination.
Ang mga light vehicles ay maari ding dumaan sa sumusunod na ruta:
NORTHBOUND (Quezon Memorial Circle to Fairview via Marikina)
• Light vehicles from Elliptical Road (QMC) should turn right at Maharlika St., turn left at Mayaman St., turn right at Maginhawa St., turn left at C.P. Garcia Avenue, turn right at Katipunan Ave., turn left at A. Bonifacio Ave., go straight to Gen. Luna Ave., turn right at Kambal Rd., turn left at GSIS Road, turn left at Jones St., turn right at Gen. Luna Ave., go straight to A. Mabini St., turn left at Rodriguez Highway, turn left at Payatas Road to reach the point of destination.
• Light vehicles from C5 Road may turn left at Magiting St., turn right at Maginhawa St., turn left at Mayaman St. to Kalayaan Avenue to reach the point of destination.
Ang mga truck naman na galing ng C-5 along Katipunan Avenue ay maaaring dumaan sa Luzon Flyover, kaliwa sa Congressional Avenue patungo sa kanilang destinasyon. (DDC)