Naitalang kaso ng dengue sa bansa mula noong Enero umabot na sa mahigit 65,000
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng mahigit 65,000 na kaso ng dengue sa bansa simula noong buwan ng Enero.
Ayon sa National Dengue Data mula sa DOH, simula noong January 1 hanggang July 2, 2022 ay nakapagtala na ng 65,190 dengue cases.
83% itong mas mataas kumpara sa 35,715 na naitala sa kaprehong petsa nooong 2021.
Tatlong rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue kabilang ang Region III (9,448); Region VII (7,771) at Region IX (5,708).
Sa nakalipas naman na halos isang buwan o mula June 5 hanggang o July 2, 2022 ang mga rehiyon na nakapagtala ng mataas na kaso ay ang Region III: 3,196; NCR: 1,729 at ang Region VII: 1,703.
Sa buong bansa ay nakapagtala na ng 274 na nasawi dahil sa dengue.
Pinakamaraming naitala na nasawi noong Mayo na mayroong 63 deaths at noong Hunyo na 58 deaths. (DDC)