Mga pasahero ng LRT-2 maaaring magpabakuna kontra COVID-19 sa Cubao Station tuwing Lunes
Maaaring magpabakuna kontra COVID-19 sa Cubao Station ng LRT-2.
Sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), maaari ding magpa-booster sa nasabing istasyon.
Bukas ang bakunahan sa LRT-2 Araneta Center-Cubao Station tuwing Lunes 8:30 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Maaaring magpaturok ng booster shot ang mga senior citizen, immunocompromised individuals at health workers.
Kailangan lamang dalhin ang vaccine card, medical certificate/prescription para sa mga immunocompromised individuals at ID para sa mga frontline/health workers. (DDC)