23 million COVID-19 booster shots target ng DOH sa unang 100 araw sa puwesto ni Pangulong Marcos

23 million COVID-19 booster shots target ng DOH sa unang 100 araw sa puwesto ni Pangulong Marcos

Target ng Department of Health (DOH) na makapag-administer ng 23 million COVID-19 booster shots sa unang 100 araw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Inanunsyo ito ni DOH officer-in-charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matapos ang pulong kay Marcos.

Ayon kay Vergeire sa kanilang pulong sinabi ni Marcos na nais niyang maging mas accessible ang booster shots para maitaas ang immunity ng populasyon ng bansa laban sa COVID-19.

Nais aniya ni Marcos na dumating ang panahon na mas mapaluwag pa ang pinaiiral na restrictions sa bansa.

At kabilang ang pagpapataas ng booster coverage sa kailangang gawin para ito ay maisakatapuran. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *