Pigeon Racing o karera ng kalapati mahigpit pa ring ipinagbabawal dahil sa bird flu
Nagpaalala ang Bureau of Animal Industry (BAI) na umiiral pa rin ang pagbabawal sa Pigeon Racing o karera ng kalapati.
Ito ay dahil mayroon pa ring kaso ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) o bird flu sa bansa.
Ayon sa BAI, ang mga kalapati ay malayang pinapalipad at maaaring may makasalamuha na mga wild birds na posibleng may dalang AI o bird flu virus.
Pinapayagan naman ang pagbiyahe ng mga kalapati pero limitado lamang sa hanggang 10. Sa pagbiyahe sa mga ito, kailangang sundin ang mga inilatag na kondisyon ng BAI kabilang ang negatibong resulta ng AI testing, veterinary health certificate at Newcastle disease (ND) vaccination.
Sinabi ng BAI na nakabantay ang ahensya para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga ibon sa bansa. (DDC)