LPA binabantayan ng PAGASA sa Occidental Mindoro

LPA binabantayan ng PAGASA sa Occidental Mindoro

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 95 kilometers northwest ng San Jose, Occidental Mindoro.

Maliban sa LPA sinabi ng PAGASA na apektado naman ng Habagat ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Dahil sa LPA at Habagat, sinabi ng PAGASA na makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa MIMAROPA, Western and Central Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Misamis Occidental, at Lanao del Norte.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa dahil din sa Habagat at localized thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *