14,640 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH sa nakalipas na isang linggo
Nakapagtala ng 14,640 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Jul. 11 hanggabg Jul 17, 2022.
Ang datos ayon sa Department of Health (DOH) ay 44 percent na mas mataas kumpara sa naitalang mga bagong kaso noong July 4 hanggang July 10, 2022.
Ayon sa DOH, sa 14,640 na bagong mga kaso, 35 ang severe at critical cases.
Habang nakapagtala naman ng 1 dagdag na nasawi .
Samantala, iniulat din ng DOH na mayroon nang 71,322,848 na fully vaccinated individuals.
Umabot naman na sa 15,592,533 ang nakatanggap ng booster shots. (DDC)