LGU pinabubuo ng mga programa para matulungan ang kanilang constituents na makaahon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin

LGU pinabubuo ng mga programa para matulungan ang kanilang constituents na makaahon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na bumuo ng mga programa para matulugan ang kanilang constituents na makaahon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr., dapat bumuo ang mga local government units (LGUs) ng transformative programs upang maibsan ang economic burden sa kanilang mga mamamayan.

Dapat aniyang lumikha ng mga programa na pakikinabangan ng poorest of the poor na constituents.

Kabilang aniya dito ang paglikha ng mga programa na makatutulong sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) na maka-recover sa economic challenges.

Kamakailan ay dumalo si Abalos sa launching ng R’Cebu sa Cebu kung saan layong suportahan ang mga magsasaka, fishermen, artisans, at MSMEs sa pamamagitan ng pag-showcase ng kanilang produkto sa Robinsons Galleria Cebu. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *