Positivity rate sa NCR lagpas 12 percent na; iba pang bahagi ng bansa nakapagtala ng lagpas 20 percent na positivity rate
Tumaas pa ang positivity rate sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.
Ayon sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 10.9 percent noong July 9 ay umakyat sa 12.6 percent ang positivity rate sa Metro Manila noong July 16.
Sa Aklan, tumaas pa sa 35 percent ang positivity rate mula sa 26.9 percent noong nakaraang linggo.
Lagpas 20 percent din ang positivity rate sa Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac.
Sa nasabing mga lugar, ipinayo ng OCTA Research sa mga residente ang matinding pag-ingat para maiwasan ang COVID infection. (DCC)