Mga magtatapos sa UP Cebu pinayagang magsuot ng damit base sa kanilang gender identity

Mga magtatapos sa UP Cebu pinayagang magsuot ng damit base sa kanilang gender identity

Pinayagan ng University of the Philippines (UP) Cebu ang mga magsisipagtapos sa AY 2020, 2021, at 2022 na magsuot ng damit base sa kanilang gender identity..

“Graduates may dress in accordance to their lived identities during the 83rd Commencement Exercise,” ayon sa abiso ng UP Cebu.

Ayon sa Student Council ng unibersidad, hindi obligado ang mga magsisipagtapos na sumunod sa heteronormative standards.

Hindi rin nila kailangang lumiham o humingi ng permiso sa school administration para magdamit babae kung sila ay lalaki, o magdamit ng panlalaki kun sila ay babae.

Kailangan lang ayon sa unibersidad na masunod ang graduation guidelines para sa academic costumes, gaya ng color schemes at haba ng isusuot.

Una nang iginiit ng UPC Student Council na dapat payagan ang mga graduating students na magdamit base sa kanilang gender identity. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *