11 kaso ng dengue naitala sa Montalban sa nakalipas na mahigit isang buwan

11 kaso ng dengue naitala sa Montalban sa nakalipas na mahigit isang buwan

Nakapagtala ng labingisang kaso ng dengue sa bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal mula June 1 hanggang July 15, 2022.

Ayon sa pamahalaang bayan, may pinakamaraming naitalang kaso sa Baranggay San Jose, San Isidro, at San Rafael.

Iniutos na ni Montalban Mayor Ronnie Evangelista ang pagsasagawa ng information campaign ng mga kinatawan mula sa Lokal na Pamahalaan, Municipal Health Office katuwang ang Municipal Epidemology and Surveillance Unit para mabigyang kaalaman ang publiko sa sakit na dengue.

Kabilang dito ang pagtuturo sa mga residente sa alituntunin ng Department of Health (DOH), upang masugpo ang pagdami ng lamok.

Sa ilalim ng 4s Kontra Dengue ng DOH kailangang gawin ang mga sumusunod:

– Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok.
-Sarili ay protektahan laban sa lamok.
-Sumangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan para hindi lumala ang sakit.
-Suportahan ang fogging (para sa mga lugar na may pagtaas ng kaso sa loob ng 2 linggo)

Hinihikayat din ng pamahalaang bayan ang bawat MontalbeƱo na makibahagi sa pagsugpo ng dengue. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *