Halos buong bansa uulanin dahil sa Habagat
Mas malaking bahagi ng bansa ang makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa Habagat.
Sa weather forecast ng PAGASA, apektado na ng Habagat ang buong bansa.
Dahil dito, ang Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na isolated na pag-ulan dahil din sa Habagat at localized thunderstorms.
Babala ng PAGASA ang mararanasang malakas at matagal na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides. (DDC)