Warship ng US Navy naglayag sa South China Sea

Warship ng US Navy naglayag sa South China Sea

Naglayag malapit sa pinag-aagawang South China Sea ang warship ng United States.

Ayon sa 7th Fleet ng US Navy, ang paglalayag ng Arleigh Burke-class guided-missile destroyer USS Benfold (DDG-65) ay layong igiit ang “navigational rights and freedoms” sa Spratly Islands.

Layunin din nitong hamunin ang tinawag nilang “excessive maritime claims” sa rehiyon.

Wala pang inilalabas na paayag ang China kaugnay sa insidente.

Ayon sa 7th Fleet ang nasabing “freedom of navigation operation” ay para igiit ang kalayaan sa paggamit ng karagatan na kinikilala ng international law.

Sa ilalim ng Law of the Sea Convention, ang mga barko ng lahat ng bansa kabilang ang kanilang warships ay may karapatan na magsagawa ng innocent passage sa territorial sea. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *