Reduced on-site work iiral sa Korte Suprema hanggang July 31
Muling magpapatupad ng “reduced on-site work” sa Korte Suprema dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa memorandum order ni Chief Justice Alexander Gesmundo, may ilang tanggapan sa SC na 50 hanggang 80 percent lamang ang papayagan na mag-report sa trabaho.
Required naman na pumasok ang 100 percent ng mga personnel sa Fiscal Management and Budget Office, Office of the Bar Confidant, Office of Administrative Services, and in the maintenance, at sa security and motorpool sections.
Sa Docket and Receiving Section ng Judicial Records Office, procurement and property division, at sa Office of the Court Administrator, pinapayagan ang 80 percent ng personnel.
Ang mga empleyado na hindi naka-schedule para sa on-site work ay magwo-work from home. (DDC)