PH at US Marines sasailalim sa 5-day bilateral exercise

PH at US Marines sasailalim sa 5-day bilateral exercise

Sasailalim sa limang araw na military training ang mga tauhan ng Philippine at US Marine Corps.

Isasagawa ang ikalawang bahagi ng Marine Aviation Support Activity (MASA) 2022 sa Taguig at Subic, Zambales.

Ang pagsasanay ay kapapalooban ng helicopter rope suspension at aeromedical evacuation.

Ayon kay Brig. Gen. Raul Jesus Calde, acting commandant ng Philippine Marine Corps at MASA 2022 director, handa na ang lahat para sa bilateral exercise.

Kumpiyansa si Caldez sa ikatatagumpay ng aktibidad.

Unang idinaos ang MASA 2022 noong June 6 hanggang 16 sa Laoag City, Ilocos Norte at Puerto Princesa sa Palawan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *