Localized peace talks magpapatuloy ayon kay Sec. Galvez
Magpapatuloy ang pagsasagawa ng localized peace talks sa mga rebelde sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr. ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), naging epektibo ang localized peace engagement (LPE) sa pagresobla sa isyu sa pagitan ng pamahalaan at communist rebels.
Sa ilalim ng pagpapatupad ng LPE, sinabi ni Galvez na marami nang sumukong mga rebelde.
Batay sa datos mula sa Department of National Defense (DND), umabot na sa 26,414 na mga rebelde ang nagbalik-loob sa gobyerno.
Bilang kapalit ng kanilang pagsuko, ang mga rebelde ay binibigyan ng pabahay, livelihood, medical assistance at education assistance. (DDC)