Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea lagpas pa rin sa 40,000

Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea lagpas pa rin sa 40,000

Nanatiling lagpas sa 40,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Sa datos mula sa Korea Disease Control and Prevention (KDCA), nakapagala ng 40,342 na bagong kaso ng COVID-19.

Kasama sa datos ang 305 na nagpositibong mga biyaher na galing sa ibang bansa.

Nakapagtala din ang KCDA ng 14 pang nasawi dahil sa sakit.

Simula noong katapusan ng Hunyo ay muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa South Korea dahil sa subvariant ng Omicron na BA.5.

Ayon sa pamahalaan ng South Korea, palalawigin nito ang pagbabakuna ng ikaapat na shot ng ng COVID-19 vaccine.

Simula ngayong Lunes, July 18 ay bibigyan na din ng second booster ang mga edad 50 pataas at mga edad 18 pataas na immunocompromised. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *