27 million na Pinoy maituturing na obese

27 million na Pinoy maituturing na obese

Tinatayang 27 milyong Pinoy ang maituturing na “obese” ayon sa National Nutrition Council o NCC.

Ayon kay NCC Nutrition Information and Education Division Chief Jovita Raval, batay ito sa latest na datos mula sa Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Sinabi ni Raval na 3.6 million na mga kabataang hanggang edad 19 ang obese.

Sa mga adult naman, mayroong 20.8 million, habang nasa 2.6 million ang obese na mga “elderly”.

Sa standard ng World Health Organization (WHO) maituturing na obese kung lagpas sa 30 ang body mass index ng isang tao.

Sinabi ni Raval na hindi lang naman sa Pilipinas may pagtaas ng bilang ng mga obese kundi maging sa iba pang mga bansa sa mundo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *