24 na biktima ng human trafficking, tinulungan ng Coast Guard para makabalik ng Mindanao
Dalawampu’t apat na Pinoy na biktima ng human trafficking sa Malaysia ang naiuwi ng Philippine Coast Guard (PCG) pabalik ng Mindanao.
Tumulong ang mga tauhan ng PCG Station Isabela sa Department of Social Welfare and Development para maibiyahe ang mga biktima mula sa Port of Isabela.
Lulan ng MV Ciara Joie, ay nakarating na ang mga Pinoy sa Zamboanga City.
Ang mga biktima ay nakatakda na sanang ibiyahe patungong Malaysia subalit nailigtas sila ng mga otoridad.
Ilan sa mga biktima ay pawang menor de edad pa.
Sila ay pawang residente ng Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Misamis Occidental, at Basilan. (DDC)