Incoming Energy secretary nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si incoming Energy Sec. Raphael Perpetuo “Popo” Lotilla.
Sa inilabas na paayag ng Department of Energy (DOE) sinabing sumasailalim sa gamutan at self-isolation sa kaniyang bahay si Lotilla.
Inabisuhan na din ng opisyal ang Malakanyang sa kaniyang kalagayan.
Sa kabila nito ayon sa DOE, tuloy ang pagbibigay nila ng update sa incoming secretary kaugnay sa mga usapin hinggil sa oil prices at iba pang kailangan ng agarang aksyon ng ahensya. (DDC)