Mahigit 21,000 security personnel ipakakalat sa SONA ni PBBM
Mahigit 21,000 na security personnel ang ipakakalat para magtiyak ng seguridad sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 25.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), kabuuang 21,853 security forces ang itatalaga.
Malaking bilang nito ay mula sa NCRPO na aabot sa 16,964.
MAyroon ding halos 2,000 mula sa PNP national headquarters at halos 3,000 mula sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Naglatag din ng rerouting plan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa SONA. (DDC)