Publiko hinimok ni PBBM na magpabakuna at magpaturok ng booster shots

Publiko hinimok ni PBBM na magpabakuna at magpaturok ng booster shots

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19 at magpaturok ng booster shots.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa video sa kaniyang social media accounts makaraang makumpleto niya ang pitong araw na isolation.

Ang 64 anyos na si Marcos ay nagpositibo sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.

Una siyang tinamaan ng sakit noong 2020.

Sinabi ni Marcos na kung hindi dahil sa bakuna at booster ay marahil matinding sintomas ng COVID-19 ang kaniyang naranasan.

Aniya, bahagyang lagnat lamang at pangangati ng lalamunan ang naranasan niyang sintomas.

Ayon kay Marcos ilulunsad ng pamahalaan ang malawakang kampanya para sa booster shots at pagpapabakuna katuwang ang Department of Health, Department of the Interior and Local Government at Department of Education.

Ito ay bilang paghahanda aniya sa pagbabalik ng face-to-face classes. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *