90 percent na pagtaas sa kaso ng dengue ngayong taon naitala ng DOH
90 percent nang mas mataas ang kaso ng dengue na naitatala sa bansa ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa National Dengue Data mula sa Department of Health, simula noong January 1 hanggang June 25, 2022 ay nakapagtala na ng 64,797 dengue cases.
90% itong mas mataas kumpara sa 34,074 na naitala sa kaprehong petsa nooong 2021.
Tatlong rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue kabilang ang Region III (9,426); Region VII (7,741) at Region IX (5,684).
Sa nakalipas naman na halos isang buwan o mula May 29 hanggang o June 25, 2022 ang mga rehiyon na nakapagtala ng mataas na kaso ay ang
Region III: 3,902, Region VII: 2,316 at NCR: 1,997.
Sa buong bansa ay nakapagtala na ng 274 na nasawi dahil sa dengue.
Pinakamaraming naitala na nasawi noong Mayo na mayroong 63 deaths at noong Hunyo na 58 deaths. (DDC)