ICU Utilization Rate sa bansa nananatiling nasa low risk
Nananatiling nasa low risk ang ICU utilization sa bansa na nangangahulugang mababa pa rin ang bilang ng mga pasyenteng tinatamaan ng malubhang COVID-19.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) nasa 17 percent ang utilization rate ng COVID-19 ICU beds sa bansa.
Gayunman, nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng ICU bed occupancy sa nakalipas na isang linggo.
As of July 13, 2022 sinabi ng DOH na 508 ang occupied na ICU beds mas mataas ng kaunti kumpara sa 454 noong July 6.
Sinabi ng DOH na mayroong bakanteng 2,405 na ICU beds sa bansa. (DDC)