Insentibo makatutulong para mahikayat ang mga magulang at guardians na pabakunahan ang mga bata ayon sa DOH

Insentibo makatutulong para mahikayat ang mga magulang at guardians na pabakunahan ang mga bata ayon sa DOH

Bagaman hindi mandatory ay hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan kontra COVID-19 ang kanilang mga anak bago magbalik ang in-person classes.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hindi gagawing requirement ang bakuna para mapayagan ang isang mag-aaral na makabalik sa paaralan.

Aniya, karapatan ng bawat mag-aaral na makapasok sa eskwelahan.

Pero sinabi ni Vergeire na mas mainam kung mahihikayat at mabibigyang insentibo ang mga magpapabakunang mag-aaral.

Sa ganitong paraan ani Vergeire, mas mahihikayat ang maraming magulang at guardians na pabakunahan ang mga bata kontra COVID-19.

Dapat din ani Vergeire na siguruhing ligtas ang mga paaralan sa pagbabalik ng mga bata. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *