DPWH magsasagawa ng repair sa ilang lansangan sa Metro Manila
Sasailalim sa repair ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsasagawa ng reblocking at repair ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa sumusunod na mga kalsada:
– EDSA NB Quezon City along Santolan MRT Station (EDSA Carousel bus lane) after P. Tuazon flyover to Aurora tunnel (3rd lane from center island fast lane) after Aurora Blvd. to New York (3rd lane from island, intermittent section) after Kamuning/Kamias Road to JAC Liner Bus Station (beside center island)
– C-5 Road Southbound (2nd lane) Makati City
– Quirino Highway Brgy. Balon Bato before M.N.D.R. flyover (2nd inner lane)
– Cloverleaf (Chn.000-Chn 258) going to NLEX NB
– Cloverleaf (Chn.000-Chn 234) going to NLEX SB
– Along EDSA-Quezon City Southbound (Balingasa Creek to Oliveros Footbridge)
Magsisimula ang repair 11:00 ng gabi ngayong Biyernes (July 15) at tatagal hanggang sa umaga ng Lunes (July 18).
Sinabi ng MMDA na alas 5:00 ng umaga ng Lunes ay fully passable na ang nasabing mga kalsada. (DDC)