Huling isda ng mga mangingisda sa San Jose, Occidental Mindoro dumami
Dumami ang huli ng mga mangingisda sa Occidental Mindoro simula nang ilunsad ang Lambaklad Project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon sa BFAR, sa nakalipas na pitong buwan ay umabot sa halos 18,000 kilograms ang nahuling isda ng mga mangingisda.
Nakinabang sa proyekto ang mga miyembro ngn San Agustin Lambaklad Fisherfolks Association sa San Jose Occidental Mindoro.
Sa datos, nakahuli sila ng 17,915.34 kilograms mula December 2021 hanggang June 2022.
Kabilang sa mga isdang kanilang nahuli ay skipjack tuna, yellowfin tuna, trevally, queenfish, rainbow runner, scads species, moonfish, at maraming iba pa.
Ang nasabing proyekto ay nakatulong din sa food security sa lugar.
Ang Set Net o Lambaklad ay Japanese fishing technology na sinimulang gamitin ng BFAR dito sa bansa. (DDC)