Australia tutulong sa pagpapatayo ng mahigit 500 silid-aralan sa bansa
Umaasa si Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte na maipagpapatuloy ang kooperasyon ng Pilipinas at Austraia sa pagpapabuti ng edukasyon.
Nagpasalamat si Duterte sa Australia sa suporta nito sa bansa partikular sa education sector.
Kamakailan ay nakapulong ni Duterte si Australian Ambassador Steven Robinson.
Sa pulong na ginawa sa DepEd Central Office sa Pasig City, sinabi ni Robinsons na may mga programa ang Australia na kanilang isusulong dito sa Pilipinas.
Kabilang dito ang pagtatayo ng 509 na silid-aralan, pagsasanay sa mahigit 33,000 na mga guro at pagpapatupad ng curriculum development sa mga bata.
Sinabi din ng Australian envory na magkakaloob sila ng scholarships sa 80 Pinoy na kumukuha ng Master’s at Doctor of Philosophy degrees. (DDC)