Administrative aide pumanaw matapos mahulog sa loob ng Malacañang compound

Administrative aide pumanaw matapos mahulog sa loob ng Malacañang compound

Isang empleyado ang pumanaw matapos mahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa loob ng compound sa Malakanyang.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, pumanaw si Mario Castro, isang administrative aide makaraang mahulog mula sa 4th floor ng Mabini Hall.

Naka-assign si Castro sa Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.

Sinabi ni Angeles na iniimbestigahan na ng Presidential Security Group (PSG) at ng Philippine National Police (PNP) ang insidente.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa mga naulia ni Castro. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *